TV

'#MPK,' mapapanood via livestream simula ngayong June

By Marah Ruiz

Magkasabay nang mapapanood sa telebisyon at online ang real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Simula ngayong June, mapapanood na via livestreaming ang episodes ng #MPK kasabay ng pagpapalabas nito sa telebisyon.

Maaring mapanood ang livestream sa YouTube channel ng GMA Network, sa Facebook page ng #MPK, at sa TikTok account ng #MPK.

Unang episode na mapapanood sa simultaneous livestreaming ang "Nasaan Ka, Inay?" na pagbibidahan ng comedienne and dramatic actress na si Pokwang.

Gaganap siya dito bilang isang ina na mapipilitang ipamigay ang mga anak dahil sa kahirapan.

Inibitahan naman ni #MPK host Mel Tiangco ang mga Ka-MELlenials na patuloy na tunghayan ang show sa telebisyon man o online.

"Mga Kapuso, magandang balita. Dahil simula ngayong Sabado, mapapanood na ang ']#MPK kahit wala kayo sa bahay. Saan man kayo naroroon--nasa biyahe, nasa opisina o nasa labas pa--mapapanood n'yo na ang aming fresh episode, bagong bagong episode, na pagbibidahan ni Pokwang via livestreaming sa Facebook, YouTube at TikTok. Tandaan, sa TV man o sa inyong mga gadget, sabay-sabay nating tunghayan ang Magpakailanman, 8:15 ng gabi, ngayong Sabado na 'yan," ani Tita Mel.

Silipin ang ilang eksena mula sa "Nasaan Ka, Inay?" ang unang episode na nakatakdang i-livestream ng #MPK sa gallery na ito: