TV

'Magpakailanman' presents 'ANG KONTRABIDA NG BUHAY KO: The Rez and Candy Cortez Love Story'


Marami ngayon ang nakakikilala kay Rez Cortez bilang isang kontrabida. Isang goon. Pero marami ang hindi nakakaalam na dati ay naging isang sexy star din ang actor—at kinalokohan ito ng maraming babae.

Pero hindi ng asawa niyang si Candy.

This Saturday, Rez and Candy join Mel Tiangco para makipagkuwentuhan tungkol sa pag-ibig: about the challenges of marriage—especially sa isang artistang umaarte sa mga maseselang eksena, tungkol sa mga pag-aaway at kakaibang panunuyo, at kung kailan masasabing hindi na kayang tumanggap pa ng pusong nasasaktan.

Love and faith conquers all sa Magpakailanman, with a script by GMA’s specialist on romantic-comedies, Denoy Navarro-Punio, based on the research of Rodney Junio.

Magpakailanman airs every Saturday, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko.