TV

Magpakailanman presents “Peligro sa Sariling Bahay: The Art Evangelista Story”


Kung ang isang bakla ay pinatay—sino ang iiyak? Ngayong Sabado, alamin ang kuwento ng yumaong si Art Evangelista, isang bakla na umibig—at binasag ang ulo sa sariling bahay!

Isang kilalang hairdresser si Art Evangelista sa lugar nila; at sa kaniyang malaking kinikita, nagawa niyang kupkupin ang mga kapatid para sa kaniya na lang magtrabaho. Pero hindi naging mabuting boss si Art sa kanila.

Imbis na ibigay ang malasakit sa mga kapatid, kaniya itong ibinubuhos sa boyfriend na hindi naman magustuhan ng kaniyang mga kamag-anak. Na pera lang ang habol, ayon sa mga kapatid ni Art.

Nang matagpuan si Art na nakahandusay sa sariling bahay isang araw, sino ang pagbibintangan na bumasag sa ulo niya? Ang mga kapatid na pinagmalupitan? O ang jowang hinihinalang pera lang ang habol sa kaniya?

O may iba pa bang tinatago si Art sa kaniyang mga “minamahal”?

Alamin ang kabuuan ng kuwento ni Art Evangelista ngayong Sabado.

Sa ilalim ng masugid na direksyon ni Andoy Ranay, sa panulat ni Des Garbes-Severino, at sa pananaliksik ni Jonathan Cruz; “Peligro sa Sariling Bahay: the Art Evangelista Story” features Gabby Eigenmann sa isang kakaibang pagganap. Kasama rin niya sa episode na ito sina Glydel Mercado, Kevin Santos, Gerard Pizarras, Geraldine Villamin, Bekimon, at si Chrom Cosio.

Magpakailanman airs Saturday nights after Vampire Ang Daddy Ko.