
Isang natatanging kuwento ang mapapanood sa episode ng #MPK na pagbibidahan ni Bea Alonzo.
Sa darating na Sabado, mapapanood si Bea sa isang espesyal na 20th anniversary special ng #MPK na "The Haunted Soul."
Bibigyang-buhay ng Kapuso actress ang kuwento ni Lezlie.
Saad ni Bea sa ulat ng 24 Oras, "It's not just a horror story. It's also about losing a family member, it's also about heartbreak that leads to the horror part of the story."
Photo Source: Youtube: GMA News
Ayon kay Bea, hindi lang ito basta-basta horror story dahil may matututunan dito ang mga manonood.
"Hindi lang siya sigawan, hindi lang siya takutan but it's also heartbreaking,” dugtong pa ni Bea. “It talks about faith also kung paano natin mas mapapanatiling matatag 'yung pananampalataya natin para sa ganoon hindi ito mangyari sa buhay natin. This is also what I want to share with the world."
Makakasama rin ni Bea sa #MPK sina Bing Pimentel at Marco Alcaraz. Ang episode na ito ay directed by Jerry Lopez Sineneng.
Abangan ang pagganap ni Bea sa 20th anniversary special ng #MPK na "The Haunted Soul" ngayong December 10, 8:15 p.m.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: