TV

Magpakailanman presents “Ang Huling Dasal ng Isang Ina”


Nauubos ba ang pananampalataya?

Deboto si JACKY (Angelu de Leon) ng Santo Niño. Naniniwala siya na kahit anong problema ay kaya niyang harapin sa ilalim ng gabay at awa ng batang santo. Pero nang kaniyang ipanganak ang bunsong si Junjie, masusubukan ang kaniyang devotion sa kaniyang santo. Mada-diagnose kasi ng mga doctor ang sanggol na may hydrocephalus, isang sakit kung saan lumalaki ang ulo ng bata dahil sa tubig sa ulo nito.

Isa itong sakit na kailangan ng immediate na operation para hindi mapano ang bata.

Maniniwala si Jacky na sa gabay ng Santo Niño ay magagawa niyang makahanap ng paraan para maipagamot ang sanggol. Pero tila tinalikuran siya nito kasabay ng pagtalikod sa kaniya ng biyenang inuutangan.

Hindi bibitiwan ni Jacky ang kaniyang faith sa santo. Gagawa siya ng paraan para kumita ng pera. Gagamitin niya ang pagiging deboto niya, papasukin ang pagiging Tindera-Sinulog. Pero sa paglipas ng panahon ay lalo pang lalala ang kaniyang anak.

Sa paglala ng kalusugan ng kaniyang anak, unti-unti na ring mawawala ang paniniwala ni Jacky sa mga milagro ng kaniyang santo. At sa paghina ng kaniyang pananampalataya, isang huling pagsubok ang darating sa buhay niya at ng kanyang pamilya.

Paano ba magdarasal ang taong nawawalan na ng paniniwala?

Ano ang laban ng dasal sa isang sakit na kayang kumitil ng buhay ng isang inosenteng sanggol?

Alamin ang kahahantungan ng kuwento ni Jacky—isang Tindera-Sinulog, ngayong Sabado, sa Magpakailanman. Pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko.

“Ang Huling Dasal ng Isang Ina” ay sinaliksik at sinulat ni Jonathan Cruz. Itinatampok sa episode na ito sina Angelu de Leon, Ryan Eigenmann, Rich Asuncion, Anika Tindoy at Chanda Romero, sa ilalim ng direksyon ni Argel Joseph.