TV

Magpakailanman presents “The Jenna Espinosa Story”


Sa pagdating ng mga bagong technology, nagkakaroon na rin ng mga bagong mga paraan para makuha ng mga tao ang kanilang mga vices—gaya ng sex.

Erotic stories. Porn. Lahat available na online. At sa patuloy na pag-evolve ng technology, nag-e-evolve rin ang mga paraan kung paano masa-satisfy ang sexual urges ng mga tao. Isa na sa mga ‘evolution’ na matatawag ang: cybersex.

Ang ‘cybersex’ ay nagaganap between a chatter and a performer, kung saan ipagagawa ng chatter ang mga gusto niya sa performer without actual contact. At ito ang mundo na mapapasok ni Jenna Espinosa, isang dalaga na maagang nabuntis, at nawalan ng choice kundi pasukin ang kalakaran na ito.

Pero paano nga ba napasok si Jenna sa mundong ito? At ano ang nagtulak sa kaniya para tanggapin ang kapalarang noong una ay gusto niyang iwasan?

Ngayong Sabado, sa natatanging pagganap ni Lauren Young, alamin ang mga naging pangyayari sa buhay ni Jenna—kung paanong ang ina niya mismo ang nagtulak sa kaniya para pasukin ang maruming mundo ng online prostitution, kung paano niya tinanggap ang pagiging dalagang ina—at paano siya nailayo sa sariling anak.

Sa pagsabak ni Lauren Young sa palaban at edgy na role na ito, sasamahan siya ng matinding supporting cast na kinabibilangan nina: Glydel Mercado, Phytos Ramirez, Rez Cortez, Maureen Larrazabal, Leandro Baldemor, Ynez Veneracio, at Teejay Marquez.

“Barangay Cybersex” was written by Glaiza Ramirez, based on the research of Angel Lauño, and directed by Neal del Rosario.

Magpakailanman airs Saturday nights, after Vampire ang Daddy Ko.