
Excited na ang Sparkle star na si Chanty Videla na bumalik sa acting matapos na mapabilang sa cast ng upcoming youth-oriented drama series na MAKA.
Sa MAKA, makakasama ni Chanty ang kapwa niya Sparkle artists na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, at "Bangus Girl" May Ann Basa. Makakatrabaho rin niya ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa naganap na pictorial ng MAKA noong Martes (August 13), binalikan ni Chanty ang naging reaksyon nang malamang mapapabilang siya sa cast ng MAKA.
"Nagulat ako nu'ng nalaman ko na magiging part ako ng MAKA kasi it was so sudden," sabi ni Chanty.
"I remember going to the audition pero hindi ako nag-expect... so na-surprise po ako. And, I'm really excited to go back to acting," dagdag niya.
Kasama si Chanty sa mga surprise characters sa lumalaking MAKA squad. Sa teen show, makikilala siya bilang Chanty Villanueva na naka-enroll din sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas Mac Arthur High School for the Arts o MAKA.
"They could probably expect to see me perform po sa 'MAKA' as Chanty Villanueva. You can expect to hear me sing or maybe dance, maraming surprises po."
Ayon kay Chanty, ilan sa dapat na abangan ng manonood sa MAKA ay ang cast at ang mga karakter na kanilang gagampanan. Aniya, "It will showcase our talents, uniqueness, and [the] relatability of this generation."
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI CHANTY SA GALLERY NA ITO: