
Bukod sa excitement na nararamdaman para sa upcoming Gen Z series na MAKA, excited din ang singer-actress sa mga artistang makakatrabaho niya sa serye.
Makakasama ni Zephanie sa MAKA ang kapwa niya Sparkle young stars na sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, Chanty Videla, at May Ann Basa.
"Excited po akong makasama 'yung mga cast, syempre 'yung mga co-stars ko rito na mga kaibigan ko rin outside ng show na ito," sabi ni Zephanie sa exclusive interview ng GMANetwork.com.
"Comfortable na kaming lahat to work with each other but of course there will be challenges pa rin. Iba kapag nandoon ka na sa set talaga, may kaba na, may pressure, but I know that the friendship will remain and the bond will be stronger," dagdag niya.
First namang makakatrabaho ni Zephanie sa teen show ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Ayon kay Zephanie, ramdam niya ang "care" ni Romnick para sa kanila.
"Si Sir Romnick kahit na veteran na po s'ya, nakikita ko at nararamdaman ko 'yung care n'ya para sa amin. Sinabi n'ya sa akin na kung gusto namin ng any help, any question, parang feel free to ask him daw.
"It means a lot for someone who's just starting with acting, na malaman mong open 'yung mga tao to guide you, to help you. So, I am grateful for this whole production team and cast."
Hindi na rin makapaghintay si Zephanie na matuto mula sa kanyang mga co-star.
Sa MAKA, makikilala si Zephanie bilang Zeph Molina, habang gagampanan naman ni Romnick ang gurong si Sir V.
Isa si Zeph sa magiging estudyante ni Sir V at ang best singer sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas Mac Arthur High School for the Arts o MAKA.
Abangan si Zephanie sa MAKA, simula September 21, 4:45 p.m. sa GMA.