
Kitang kita ang closeness ng Sparkle star na si May Ann Basa o mas kilala bilang "Bangus Girl" sa kanyang co-stars sa upcoming Gen Z series na MAKA.
Sa latest Instagram post, ipinakita ni May Ann ang ilang cute photos at fun videos niya kasama ang co-stars na sina Zephanie, Dylan Menor, Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, Chanty Videla, at ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Sa isa namang Instagram post, mapapanood ang pagkasa ni May Ann kasama ang female co-stars niyang sina Zephanie, Ashley, Olive, at Chanty sa "Tiramisu Cake" dance trend.
Kabilang si May Ann sa cast ng MAKA na mapapanood na ngayong September 21, 4:45 p.m. sa GMA.
Sa teen show, makikilala siya bilang "Bangus Girl," isang eighth grader mula Capiz na hindi magaling at matalino pero madiskarte. Nagtitinda siya ng fishball, prutas, gulay, at isda. Isa siya sa mga estudyante sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas Mac Arthur High School for the Arts o MAKA.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI MAY ANN BASA A.K.A. BANGUS GIRL SA GALLERY NA ITO: