
Masaya ang buong cast at crew ng Gen Z series na MAKA dahil sa success ng first episode ng show nila na umere na noong September 21.
Nakapagtala ng mataas na rating ang MAKA kung saan nakakuha ito ng 6.6 percent, higit na mas mataas sa 1.4 percent rating ng katapat nitong programa, base sa preliminary/overnight data ng NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines.
Sa Instagram post, ipinakita ni Zephanie ang selebrasyon ng cast habang nasa taping. Sa cake, mababasa ang "Congratulations, Team MAKA! Makaka-sweldo na tayo!" na may hashtag "MAKAkaSeason2."
Ang MAKA ay pinagbibidahan ng Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa o "Bangus Girl."
Nagbibigay inspirasyon din sa teen show ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta at ang ilang former That's Entertainment stars na sina Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Maricar de Mesa, at Jojo Alejar, kasama ang beteranang aktres at singer na si Carmen Soriano.
Tampok sa inspiring teen show na ito, na may musical elements, ang kuwento ng high school students sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas MacArthur High School for the Arts o MAKA High. Matutunghayan sa programa ang ilang relatable issues na kinakaharap ng mga Gen Z at ang kanilang pakikisalamuha sa ibang henerasyon tulad ng millennials, Gen X, at Boomers.
Abangan ang MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
Panoorin ang unang episode ng MAKA sa video na ito:
KILALANIN ANG CAST NG MAKA SA GALLERY NA ITO: