
Ipinakita ni Zephanie ang ilang behind the scenes sa set ng pinakabagong youth-oriented show na MAKA sa kaniyang "A day in the life of Zeph Molina" vlog.
Sa MAKA, makikilala si Zephanie bilang Zeph Molina, isang high school student at ang best singer sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas MacArthur High School for the Arts o MAKA.
Sinimulan ni Zephanie ang video sa kaniyang biyahe papunta sa set ng MAKA at pagpe-prepare kung saan siya mismo ang nag-make up sa kaniyang sarili.
Ibinahagi rin niya kung gaano niya na-miss na muling magsuot ng uniform.
Mapapanood din sa video ang bonding niya kasama ang cast at ang ilang behind the scenes ng kaniyang mga eksena sa teen show.
Game na game ding sumasama sa kaniyang video ang kaniyang co-stars na sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa.
Bukod sa Sparkle stars, makakasama ni Zephanie sa MAKA ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta at ang former That's Entertainment stars na sina Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Maricar de Mesa, at Jojo Alejar.
Mapapanood din sa teen show ang beteranang aktres at singer na si Carmen Soriano.
Abangan si Zephanie sa MAKA tuwing Sabado, simula September 21, 4:45 p.m. sa GMA.
Panoorin ang full trailer ng MAKA sa video na ito:
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA NAGANAP SA MEDIA CONFERENCE NG 'MAKA' RITO: