
Maaari nang mapakinggan ang original soundtracks ng GMA Public Affairs youth-oriented show na MAKA na "Makakaya" at "MAKA" sa Spotify, YouTube Music, at iba pang digital music platforms worldwide.
Ang "MAKA" at "Makakaya" ay inawit ng young cast na sina Zephanie, Dylan Menor, Marco Masa, Ashley SArmiento, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, at Chanty.
Pakinggan ang "MAKA" at "Makakaya" RITO.
Bukod dito, inilabas na ang "Catching Feelings" nina Zephanie at Dylan Menor, na isa rin sa original soundtracks ng MAKA.
Ang MAKA ay pinagbibidahan ng Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Chanty, Sean Lucas, May Ann Basa o "Bangus Girl," at ng seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Patuloy na subaybayan ang MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
MAS KILALANIN ANG CAST NG MAKA SA GALLERY NA ITO: