GMA Logo MAKA Season 2
What's on TV

MAKA Season 2, mapapanood na ngayong Sabado sa GMA!

By Aimee Anoc
Published January 31, 2025 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA Season 2


Back-to-school na ang paboritong MAKA barkada! Abangan sila sa pagsisimula ng 'MAKA' Season 2 ngayong February 1 sa GMA.

Simula February 1, mapapanood na ang bagong season ng hit youth oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA.

Sa ikalawang season ng MAKA, bagong exciting na kuwento ang dapat na abangan. Idagdag pa ang dalang twists ng mga bagong cast members na sina Elijah Alejo bilang Elijah Rodente, Bryce Eusebio bilang Bryce Hernandez, Shan Vesagas bilang Shan Rodente, at Josh Ford bilang Josh Taylor.

Makakasama rin sa MAKA season 2 ang infuencers na sina MJ Encabo at Cheovy Walter.

Bagong journey ang tatahakin ng paboritong Gen Z barkada na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, Chanty, at May Ann Basa sa pagpasok sa private school, ang MacArthur Academy, matapos na tuluyang magsara ang MAKA High.

Muli ring makakasama sa bagong chapter ng MAKA ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.

Abangan ang MAKA season 2 tuwing Sabado, simula February 1, 4:45 p.m. sa GMA.

TINGNAN ANG OUTFIT CHECK NG MAKA SEASON 2 CAST SA GALLERY NA ITO: