
Kabilang ang cast ng MAKA season 2 sa Kapuso stars na nakisaya sa Kapuso Chill Fest noong Linggo (February 9) sa Trinoma Activity Center.
Mainit na sinalubong ng kanilang fans ang MAKA stars na sina Zephanie, Ashley Sarmiento, Elijah Alejo, Olive May, Chanty, Shan Vesagas, Josh Ford, at May Ann Basa.
Ipinerform ni Zephanie ang kantang inawit niya sa season 1 ng MAKA, ang "Patuloy Ang Pangarap," na nakatanggap ng palakpakan at hiyawan mula sa fans.
Sinayaw rin ng cast sa mall show ang "APT," na collaboration track ng BLACKPINK member na si Rose at Filipino-American singer na si Bruno Mars.
Nakipagkulitan din ang MAKA stars sa kanilang fans kung saan nakasama nila itong gumawa ng TikTok challenge sa stage.
Abangan ang MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
TINGNAN ANG OUTFIT CHECK NG 'MAKA' SEASON 2 CAST SA GALLERY NA ITO: