GMA Logo MAKA stars Josh Ford and Zephanie
Photo by: joshykosh101
What's on TV

TikTok videos nina Zephanie at Josh Ford, kinakiligan ng fans

By Aimee Anoc
Published March 4, 2025 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA stars Josh Ford and Zephanie


Team JoZeph ka ba sa 'MAKA'? Panoorin ang ilang kilig videos nina Josh Ford at Zephanie dito.

Maraming fans ang kinikilig ngayon sa chemistry nina Josh Ford at Zephanie hindi lang sa mga eksena nila sa MAKA Season 2 kundi maging sa kanilang mga TikTok video.

Isa sa video na kinakiligan ng netizens ay nang subukang makipag-usap ni Josh kay Zephanie ng eye level kung saan makikita ang malaking pagkakaiba ng kanilang height.

@joshykosh101 Buti hindi ako nahulog @Zephanie #fyp #makaseason2 #students #school ♬ original sound - Bella

Umani naman ng mahigit 389,000 views sa TikTok ang video na ito nina Josh at Zephanie kung saan tila may pinagseselosan ang aktor, at dito na ipinakita si Shan Vesagas.

@joshykosh101 Ako magseselos?! @Zephanie @Svesagas #MAKAseason2 #fyp #sparklegmaartistcenter ♬ original sound - Yourel_fanpage - ⏾⋆

Noong Lunes (March 3), muling pinakilig nina Josh at Zephanie ang kanilang fans sa bagong video kung saan tila nagkakahiyaan sila, na ngayon ay mayroon nang mahigit 244,500 views.

@joshykosh101 Dahil hinahanap mo yung isang version 😁 @Zephanie #fyp #makaseason2 #students #school ♬ original sound - gwyn

Ilan sa mga komentong natanggap ng kilig videos na ito nina Josh at Zephanie ay "Uyy bagay sila," "Mestizo and the morena love story start," "Bagay kayong dalawa."

Patuloy na subaybayan sina Zephanie at Josh Ford sa MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

SAMANTALA, MAS KILALANIN SI JOSH FORD SA GALLERY NA ITO: