GMA Logo Zephanie
Photo by: @joshykosh101
What's on TV

Zephanie sa first impression kay Josh Ford: 'Funny, joker siya'

By Aimee Anoc
Published February 12, 2025 3:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie


Team Josh rin ba kayo para kay Zeph sa 'MAKA' Season 2? Ano kaya ang masasabi ni Zephanie kay Josh Ford? Alamin dito.

Para kay Zephanie, ang half-British heartthrob na si Josh Ford ang sa tingin niyang unang makaka-close niya sa bagong cast members ng MAKA Season 2.

Sa online exclusive content na "MAKA Secret Garden," ibinahagi ni Zephanie ang first impression niya sa co-star na si Josh Ford, na aniya ay funny at joker.

"Si Josh, funny din siya lalo kapag nag-i-English siya. Hindi namin siya maintindihan," sabi ng aktres. "Si Josh, he can be loud sometimes and joker siya."

Dagdag ni Zephanie, "nanggigigil" siya sa karakter ni Josh sa MAKA Season 2, kung saan napapanood ang aktor bilang Josh Taylor.

@joshykosh101 Ako magseselos?! @Zephanie @Svesagas #MAKAseason2 #fyp #sparklegmaartistcenter ♬ original sound - Yourel_fanpage - ⏾⋆

Samantala, bukod kay Josh Ford, kabilang sa bagong cast members ng MAKA Season 2 sina Elijah Alejo, Bryce Eusebio, at Shan Vesagas, kasama ang influencers na sina MJ Encabo at Cheovy Walter.

Kasama naman ni Zephanie na nagbabalik sa teen show sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, Chanty, at May Ann Basa, maging ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.

Abangan ang MAKA season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

MAS KILALANIN SI JOSH FORD SA GALLERY NA ITO: