
Inamin ng MAKA actor na si Shan Vesagas na may natitipuhan siyang artista ngayon!
Sa online exclusive content na "MAKA Secret Garden," sinagot ni Shan ang ilan sa mga katanungan sa kanya. Una rito ay kung nagkaroon na nga ba siya ng girlfriend na artista. Agad naman itong itinanggi ni Shan at sinabing, "wala pa."
Buong tapang naman na sinagot ni Shan ang ikalawang tanong sa kanya na kung may natitipuhan siyang artista ngayon. Sagot niya, "Mayroon."
Pabiro namang nagbigay ng follow up question ang MAKA co-star niyang si Elijah Alejo kung sino ang natitipuhang artista.Inside link:
Ngumiti lamang si Shan at hindi ito sinagot. Pero, aniya, isa itong Kapuso.
Patuloy na subaybayan si Shan Vesagas sa MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
Panoorin ang pag-amin ni Shan Vesagas sa "MAKA Secret Garden" dito:
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI SHAN VESAGAS SA GALLERY NA ITO: