
Pumayag na si Zeph (Zephanie) sa kagustuhan ni Mr. Rodente na tumira sa bahay nito kasama si Elijah (Elijah Alejo).
Ang buong akala ni Zeph ay gusto siyang patirahin ni Mr. Rodente sa bahay nito para maturuan ng leksyon si Elijah. Pero ang hindi niya alam ay ito ang tunay niyang ama!
Sa teaser na inilabas ng MAKA Season 2 para sa ikaanim nitong episode, hindi pa rin tumitigil si Elijah sa pagpapahirap kay Zeph kahit na sa iisang bahay na lamang sila nakatira.
Isang rebelasyon naman ang matutuklasan ni Zeph sa bahay ng mga Rodente dahil si Shan (Shan Vesagas) dito rin pala nakatira!
Samantala, magtatapat na nga ba ng feelings si Josh (Josh Ford) kay Zeph?
Si Ash (Ashley Sarmiento), nakararamdam ng selos kay Zeph dahil sa madalas na pagiging concerned ni Marco (Marco Masa) rito. Totoo kayang may feelings pa rin si Marco para kay Zeph?
At si Livvy (Olive May), hihingi na ng tawad sa MAKA barkada. Pero si Ash, hindi siya mapapatawad?
Abangan 'yan sa MAKA Season 2 ngayong Sabado, 4:45 p.m. sa GMA!
Panoorin ang teaser ng MAKA Season 2 episode 6 sa video na ito:
SAMANTALA, TINGNAN ANG PASABOG NI ELIJAH SA ACQUAINTANCE PARTY SA GALLERY NA ITO: