
May bagong karakter na makikilala sa MAKA Season 2!
Sa ikaanim na episode ng online exclusive content na "MAKA Secret Garden," Ipinakilala ng MAKA barkada si Althea Ablan bilang kanilang special guest.
Ano kaya ang role na gagampanan ni Althea sa MAKA? Tila, papasok din ito sa MacArthur Academy.
Samantala, bagong challenge ang hinarap ng cast sa "MAKA Secret Garden" kung saan nagpagalingan silang magbigay ng jokes sa "Bawal Tumawa Challenge: Girls vs. Boys."
Nakasama rin si Althea sa challenge na ito at hindi nagpahuli sa kanyang joke.
Abangan si Althea Ablan sa MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
Panoorin ang "MAKA Secret Garden" episode 6 sa video na ito:
MAS KILALANIN SI ALTHEA ABLAN SA GALLERY NA ITO: