GMA Logo MAKA Season 2 guests Rodjun Cruz and Thea Tolentino
What's on TV

Rodjun Cruz at Thea Tolentino, mapapanood sa 'MAKA Season 2' ngayong Sabado

By Aimee Anoc
Published April 11, 2025 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PRO-11, gipaniguro nga walay hulga sa seguridad | One Mindanao
Lisensiya ng driver ng pick-up truck na nambatok sa nagkakariton, binawi na ng LTO
Farm To Table: Magpapasko na, food explorers!

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA Season 2 guests Rodjun Cruz and Thea Tolentino


May manggugulo sa buhay ni Ashley! Abangan sina Rodjun Cruz at Thea Tolentino bilang ang magkarelasyong Tonio at Betty sa 'MAKA Season 2' ngayong Sabado sa GMA.

Mapapanood sina Rodjun Cruz at Thea Tolentino sa MAKA Season 2 ngayong Sabado sa GMA.

Sa teaser na inilabas ng MAKA Season 2 para sa Episode 11, si Ashley (Ashley Sarmiento) naman ang mabibigyan ng spotlight kung saan mapagkakamalan itong karelasyon ng kanyang stalker na si Tonio (Rodjun Cruz). Dahil dito, nagplano nang masama kay Ashley ang totoong girlfriend ni Tonio na si Betty (Thea Tolentino).

Makakaranas ng pang-eeskandalo ni Betty si Ashley at maging si Marco (Marco Masa) ay tila madadamay sa kasamaan ni Betty.

Huwag palampasin ang intense na mga eksena sa MAKA Season 2 ngayong Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

SAMANTALA, BALIKAN ANG CHILDHOOD PHOTOS NINA ASHLEY SARMIENTO AT MARCO MASA SA GALLERY NA ITO: