
Masasangkot sa road rage ang MAKA barkada na si Shan (Shan Vesagas) sa MAKA Season 2 episode 12, na mapapanood ngayong Sabado, April 26, sa GMA.
Sa teaser na inilabas ng MAKA, pag-iinitan si Shan ng magkapatid na nakabanggaan niya, na gagampanan nina Liezel Lopez at Christian Vasquez.
Talaga namang masusubok ang katatagan at pagiging palaban ni Shan, maging ng MAKA barkada, sa mapaghigating mga karakter nina Liezel at Christian.
Tuluyan na nga bang magsasara ang coffee shop na ipinundar ni Shan?
Samantala, more kilig scenes ang aabangan kina Shan at Zeph (Zephanie) sa MAKA ngayong Sabado. Sa kabila ng hirap na pinagdadaanan ni Shan, nariyan si Zeph na nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob.
Huwag palampasin ang intense at nakakakilig na mga eksena sa MAKA Season 2 episode 12 ngayong Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI SHAN VESAGAS SA GALLERY NA ITO: