
Bagong karakter ang papasok sa MAKA Season 2 ngayong Sabado (May 3) at ito ay ang Sparkle actor na si Juancho Triviño.
Sa inilabas na teaser para sa episode 13 ng MAKA Season 2, makikilala si Juancho bilang Rex, ang pinsan ni JC (John Clifford) na titira sa dorm ng MAKA barkada.
Pero simula nang tumira ito sa dorm ay nagkawalaan na rin ang pera at mga gamit nina Livvy (Olive May), Bryce (Bryce Eusebio), at maging ng mga magulang ni JC.
Si Rex (Juancho) nga ba ang magnanakaw sa dorm ng MAKA barkada?
Samantala, tuloy-tuloy ang kilig na hatid ng love team nina Zeph (Zephanie) at Shan (Shan Vesagas). Magtagumpay kaya si Shan sa panliligaw kay Zeph?
Abangan 'yan sa MAKA Season 2 episode 13 ngayong Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
MAS KILALANIN SI JOHN CLIFFORD SA GALLERY NA ITO: