
Mapapanood ang ex-PBB housemate na si AC Bonifacio sa upcoming episode ng hit youth-oriented show na MAKA Season 2 ngayong Sabado, May 10.
Noong Lunes (May 5), nakakulitan ng MAKA barkada si AC sa online exclusive content na "MAKA Secret Garden." Game na game na nakipaglaro ng "Trip to Jerusalem" si AC sa MAKA stars na sina Zephanie, Ashley Sarmiento, Marco Masa, Olive May, John Clifford, Chanty, Sean Lucas, Shan Vesagas, at Bryce Eusebio.
Nakipag-chikahan din si AC at ibinahagi ang kanyang experience sa MAKA.
"Working today with MAKA was super fun, super unexpected," sabi ni AC. "It was a reunion also because I saw Zephanie again, si Ashley, Marco, Bryce. I also get to meet some new people. So, it's a reunion and an experience, all at once.
"Actually, feeling ko nasa PBB ulit ako because of how I'm with people my age. 'Yung kakulitan ko, same energy so it's nice to be back with people who are like that," dagdag niya.
@svesagas OA @ac #MAKA ♬ original sound - PBB CELEBRITY COLLAB UPDATES - thesagatastic
Ikinuwento rin ni AC ang closeness kay Zephanie at sa iba pang MAKA stars.
"We're super close dati pa," sabi ni AC tungkol kay Zephanie. "We also figured out na related kami, matagal na 'to. We said this to other people and in interviews din na we found out na I'm her tita, something like that."
Natuwa rin si AC na muling makasama si Marco sa MAKA. Na-excite naman ang aktres na makatrabaho si Chanty, na nakakasama na niya noon sa workshops at matagal na rin niyang kakilala.
"Sabi pa nga namin, first work namin together sa GMA pa. Dito sa MAKA kami pinakaunang nag-work together," masayang sabi ni AC tungkol kay Chanty.
Abangan ang karakter na gagampanan ni AC Bonifacio sa episode 14 ng MAKA Season 2 ngayong Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
Panoorin ang pakikipagkulitan ni AC Bonifacio sa MAKA Barkada sa video na ito:
TINGNAN ANG TRENDIEST LOOKS NI AC BONIFACIO SA GALLERY NA ITO: