
Hindi pahuhuli ngayong tag-init sa fun at love ang MAKA barkada kung saan isang Summer special episode ang kanilang inihanda, na mapapanood ngayong Sabado, May 17.
Makakasama nila sa Summer special episode ang SLAY actor na si Jay Ortega.
Pero tila may nakalulungot na balita ngayong Summer break ang MAKA barkada. Totoo kayang maghihiwalay na ang isa sa paboritong love team na sina Marco (Marco Marsa) at Ashley (Ashley Sarmiento)?
Samantala, ano kaya ang aamin ni Sean (Sean Lucas) kay Chanty?
Panoorin ang teaser ng MAKA Season 2 episode 15 sa video na ito:
Abangan 'yan ngayong Sabado, May 17, 4:45 p.m. sa GMA.
TINGNAN ANG KILIG MOMENTS NINA ASHLEY SARMIENTO AT MARCO MASA SA GALLERY NA ITO: