GMA Logo Claire Castro Derrick Monasterio
What's on TV

Claire Castro, 3 beses nag-toothbrush bago ang kissing scene kay Kristoffer Martin sa 'Makiling'

By Jimboy Napoles
Published November 14, 2023 4:02 PM PHT
Updated December 14, 2023 12:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Pascal Siakam's 36-10 double-double powers Pacers past Bulls
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Claire Castro Derrick Monasterio


Inamin ni Claire Castro na tatlong beses siyang nagsipilyo bago ang kissing scene nila ni Kristoffer Martin sa 'Makiling.'

Aminado si Kapuso sexy actress Claire Castro na kinabahan siya sa mainit na kissing scene nila ng Kapuso hunk na si Kristoffer Martin sa upcoming mystery revenge drama ng GMA Afternoon Prime na Makiling.

Sa isang panayam, sinabi ni Claire na tatlong beses siyang nag-toothbrush bago kunan ang eksenang halikan nila ni Kristoffer.

“Siyempre para hindi nakakahiya, nag-toothbrush ako ng three times tapos nagpabango para hindi naman nakakahiya kay Kristoffer,” chika ni Claire.

Dagdag pa niya, “Buti na lang, walang magagalit sa part ko. Siyempre, single tayo, mga besh!”

Maging si Kristoffer, napasipilyo rin bago i-take ang kanilang intimate scene ni Claire.

“Well, akala namin hindi na matutuloy i-shoot 'yung kissing scene nung araw na 'yun pero buti na lang nag-toothbrush kami parehas,” anang aktor.

RELATED GALLERY: Sampalan nina Elle Villanueva at Thea Tolentino sa 'Makiling,' totohanan?

Sa tindi ng eksena nila ni Claire, nagpapasalamat naman si Kristoffer sa pagiging understanding ng kanyang asawa na si AC Banzon sa kanyang trabaho.

Aniya, “Hindi naman nagselos 'yung asawa ko kasi alam naman niyang kailangan sa trabaho para mas mapaganda 'yung eksena. Naiintindihan niya 'yung mga ganyang bagay, trabaho lang talaga at walang personalan.”

Sa nasabing serye, gaganap sina Claire at Kristoffer bilang miyembro ng “Crazy 5” kasama sina Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, at Teejay Marquez.

Sila ang mga magiging kontrabida sa buhay ng mga karakter nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

Marami pang mga patikim na behind the scenes dahil talagang sineryoso at pinaghandaan ng buong cast ang pinakaunang pasabog na drama sa hapon ng GMA sa 2024 - ang Makiling.

Para sa iba pang showbiz updates, bistahin ang GMANetwork.com.