GMA Logo Derrick Monasterio in Makiling
Source: gmanews/YT
What's on TV

Derrick Monasterio, nakatanggap ng papuri mula sa 'Makiling' viewers

By Kristian Eric Javier
Published January 20, 2024 4:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Derrick Monasterio in Makiling


Paano nga ba nagawa ni Derrick Monasterio ang mabigat na eksena niya sa 'Makiling?'

Nakatanggap ng papuri mula sa mga netizens si Derrick Monasterio para sa kanyang pagganap sa mga mabibigat na eksena sa kanyang afternoon series na Makiling. Ayon sa aktor, magaling din mismo ang young actress na gumaganap bilang kapatid niya sa serye.

Sa serye ay nasagasaan ang kapatid ni Alex, na ginagampanan ni Derrick, ng hindi pa nakikilalang mga tao. Dito ay naghinagpis si Alex sa pagkamatay ng kaniyang kapatid, bago ang isa pang mabigat na eksena kung saan sinisi siya ng kaniyang ama na si Luis sa nangyari.

Sa interview ni Derrick kay Lhar Santiago sa Chika Minute para sa 24 Oras ay pinuri niya ang galing at ginawa ng young actress bago pa man nila kunan ang eksena.

“Magaling din 'yung kapatid ko dito e, parang nung hindi pa kami nagsi-scene, tinatrato na niya ako as kuya, parang tina-try na niyang gumawa ng relationship sa'kin,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktor, “Ang galing niya dun, mas nadala ko 'yun ng totoo du'n sa eksena.”

Hinangaan din ng mga netizens ang eksena niya kasama si Richard Quan na gumanap bilang ama niya sa serye na si Luis.

Pagbabahagi ni Derrick, ang eksenang iyon ang pinaka-una nilang eksena ng beteranong aktor kaya medyo nangapa pa sila sa kani-kanilang mga karakter.

“Pero we really need to go big na talaga agad on the first scene. Medyo challenging pero asaya kasi once na nandu'n ka na sa flow, tuloy-tuloy e,” pagbabahagi niya.

BALIKAN ANG CAST NG MAKILING SA GALLERY NA ITO:


Nagbigay din ng kaunting teaser si Derrick sa mga dapat abangan sa serye, lalo na ng mga eksena nila ng kapareha na si Elle Villanueva.

“Paglabas namin ng probinsya, du'n na mangyayari lahat ng pinakagrabeng pananakit at pambubully so 'yun ang kailangan abangan ng mga tao,” sabi niya.