GMA Logo Elle Villanueva
What's on TV

Elle Villanueva, nag-training ng jiu-jitsu para sa kanyang 'revenge era' sa 'Makiling'

By Jimboy Napoles
Published January 26, 2024 2:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

8 DWPH officials in Davao Occidental surrender over ghost project
P8.7M smuggled cigarettes seized off Ipil, Zamboanga Sibugay coast
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva


Naghahanda na si Elle Villanueva para sa mas matitinding eksena sa 'Makiling.'

May hangganan din ang pambu-bully sa character ni Elle Villanueva na si Amira sa tinututukan ngayon na mystery revenge drama sa hapon na Makiling.

Matapos kasi ang paghihirap ni Amira sa kamay ng mga kontrabidang Crazy 5 na sina Portia (Myrtle Sarrosa), Seb (Kristoffer Martin), Ren (Royce Cabrera), Oliver (Teejay Marquez), at Maxine (Claire Castro), malapit na ring mapanood ang kanyang pasabog na paghigiganti.

Kaugnay nito, nagte-training na ngayon si Elle ng jiu-jitsu na kakailanganin para sa matitindi nilang fight scenes.

Sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, nagkuwento si Elle tungkol sa magiging development ng karakter niyang si Amira.

Aniya, “Makikita n'yo marami siyang natutunan talaga, 'yung sa six years na nawala siya. So, doon ako pinaka-excited at excited din akong gumanti sa kanila. So, isa to sa mangyayaring eksena na paparating na magkakalaban kaming dalawa [ni Kristoffer Martin].”

Pero kahit minsan ay totoong nagkakasakitan dahil sa mga mabibigat na eksena, nakabuo na raw ng magandang bonding ang cast ng Makiling.

“Nase-separate rin namin 'yung work sa playtime e, kapag naglalaro lang kami kunwari kapag lunch time lang, minsan nga natutulog na lang kami. Pero other than that kapag in-invite kami kunwari ni Direk Rado na mag-dinner, nagba-bonding din talaga kami,” ani Elle.

Kasama rin ni Elle na nag-aaral ng jiu-jitsu ang isa Crazy 5 na si Seb played by Kristoffer Martin.

Ayon kay Kristoffer, mahalaga sa cast ang magkaroon ng bonding upang magkaroon sila ng tiwala sa isa't isa para sa mga gagawin nilang eksena.

“'Yun 'yung pinaka importante rito sa trabaho namin kasi maseselan nga 'yung ginagawa namin, more on physical contact talaga so 'yung trust talaga sa isa't isa [mahalaga]. So, binuo talaga namin dito 'yung closeness naming lahat,” anang aktor.

Patuloy na subaybayan ang Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: Makiling cast, handa nang gigilin ang mga manonood sa kanilang serye