GMA Logo elle villanueva
Source: myrtlegail/IG
What's on TV

Paghihiganti ni Elle Villanueva sa 'Makiling,' pinaghahandaan na ng Crazy 5

By Kristian Eric Javier
Published February 28, 2024 10:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

elle villanueva


Paano haharapin ng Crazy 5 ang galit ni Amira sa 'Makiling'?

Matapos pahirapan ng Crazy 5, nagbabalik na si Amira para maghiganti sa kanila sa Makiling.

Ang Crazy 5 ay binubuo ng mga karakter na ginagampanan nina Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Kristoffer Martin, Teejay Marquez, at Claire Castro. Habang si Amira ay gumaganap bilang si Amira sa naturang GMA Afternoon Prime series.

Sa set visit ni Lhar Santiago para sa "Chika Minute" ng 24 Oras, makikitang nakapaa, nakagapos, at nakabitin patiwarik si Myrtle, ang pinakabagong pinaghihigantihan ni Amira sa serye.

Dahil hindi biro ang eksena, nakatutok ang production team at mga medic para siguraduhing ligtas ang aktres. Aminado naman si Myrtle na natatakot na sila ng mga kasamahan niya sa Crazy 5 sa paghihiganti ni Amira.

“Siyempre, intense 'yung mga ginawa namin dati kay Amira kaya 'yung paghihiganti niya sa 'min, naku, good luck na lang talaga sa'min bilang Crazy 5,” sabi niya.

Dagdag pa ni Kristoffer, “Crazy 5, kinakabahan kasi nakakatakot 'yung pag ganti kasi nakita naman ng mga viewers natin kung papaano namin pinahirapan si Amira.”

Samantala, sinabi rin ni Elle na pinaghahandaan na niya kung papaano ibabalik sa Crazy 5 ang ginawa nila sa kaniya.

Ani ni Elle, “Before taping, nag-suggest na rin po ako kina direk na mag-aral ng mga martial arts and 'yung mga paghawak po ng mga guns.”

BALIKAN ANG PAGPUNTA NG APAT SA CRAZY 5 SA ISANG MALL SHOW SA CEBU SA GALLERY NA ITO:

Dahil maganda ang feedback ng mga manonood, extended ang Makiling. Sa interview ni Elle sa 24 Oras noong February 22, inamin niya na kahit silang mga bida ng serye ay nabibitin sa kuwento ng kanilang serye.

“Gusto pa namin ng more story, more character arch. Parang gusto pa naming ituloy ang show, mas malalim na istorya pa,” sabi nito.

Sa hiwalay na interview kay Myrtle, sinabi ng aktres na “very blessed” silang makatanggap ng mataas na ratings dahil pinaghirapan talaga nila ang serye.

“Natutuwa talaga ako na paglumalabas kami, lahat ng mga Kapuso natin, nakikilala kami bilang si Amira, bilang si Portia, bilang si Rose,” sabi niya.

Sabi naman ni Derrick, “This is a show na mahal na mahalnaming dalawa ni Elle at pinagpaguran namin, at sana tutukan niyo pa, kapitan niyo po ito hanggang dulo kasi kahit kami, hindi kami makabitaw sa mga susunod na mangyayari.”