
Bago rumatsada sa kanilang taping, sumalang muna sa isang intimate bonding session ang cast ng upcoming mystery revenge drama na Makiling na pinagbibidahan ng Kapuso couple na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.
Ang naturang face-to-face bonding session ay pinangunahan ni Direk Conrado Peru upang mabasag ang ilangan sa cast at tuluyang magkapalagayan ng loob.
BALIKAN ANG KAGANAPAN SA FIRST MEETING NG MAKILING DITO:
Kasama sa nasabing bonding session ang mga magsisilbing kontrabida nina Elle at Derrick sa series, ang tatawaging “Crazy 5” na sina Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Kristoffer Martin, Teejay Marquez, at Claire Castro.
Matatandaan na gumanap na rin bilang mga antagonist ang lima sa kani-kanilang mga nagdaang Kapuso series.
Sa kanilang naging bonding session, inamin ni Elle na nailang siya sa presence ng lima na magiging tinik din sa buhay ng kaniyang karakter sa series.
Kuwento ni Elle, “Sa totoo lang po, malakas 'yung presence ng lima and I took it positively pa rin since makatutulong ito sa karakter ko para mas maging natural 'yung interaction ko sa kanila.”
Sinigurado naman ng cast ng Makiling na first impressions never last at looking forward na sila sa kanilang mabubuong bagong pamilya sa set.
Samantala, bilang preparasyon din nila sa serye, nagtungo raw sina Elle at Derrick sa isang nature spot upang sanayin ang sarili sa magiging lokasyon ng kanilang taping.
“We wanted to get away before the show starts para like peace of mind ganun. So we chose a spot na malapit din sa series 'yung may ilog, may bundok, probinsiya,” anang aktor sa panayam nila kay Lhar Santiago.
Magsisimula na ngayong linggo ang taping ng pinakamainit at tiyak na kahuhumalingang mystery revenge drama ng GMA Afternoon Prime this 2024, ang Makiling.
Ito ang unang handog at pasabog ng GMA Public Affairs sa mga Kapuso.