GMA Logo elle villanueva
Source: _ellevillanueva (Instagram)
What's on TV

Elle Villanueva, ramdam na agad ang sepanx sa seryeng 'Makiling'

By Jimboy Napoles
Published April 11, 2024 10:13 AM PHT
Updated April 11, 2024 5:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 9, 2025
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

elle villanueva


Marami pang pamatay na rebelasyon ang dapat abangan sa Makiling.

Sa isang mini-vlog, ipinasilip ni Elle Villanueva ang kaniyang buhay sa set ng pinagbibidahan niyang serye na Makiling.

Makikita sa nasabing vlog ang ginagawang paghahanda ni Elle bago sumalang sa taping ng kaniyangmga eksena lalo na ang kaabang-abang na bagong bardagulan scene nila ni Myrtle Sarrosa.

Sa kaniyang post, tila ramdam na rin ni Elle ang sepanx sa nabuong pamilya nila sa Makiling dahil patapos na ang kanilang taping para sa nalalapit na finale.

“Time flies so fast, I can't believe we only have a few taping days left!” caption ni Elle sa nasabing post.

Sinabi rin ni Elle na marami pa silang pasabog na twists kaya dapat patuloy na tumutok sa serye para malaman kung saan mapupunta ang revenge era ng kaniyang karakter na si Amira.

Sa comments section ng kaniyang post, maraming fans at loyal viewers ng serye ang humihirit na i-extend pa ang kuwento.

“Sana mag extend pa Miss Elle or kung hindi nman sana may Book 2. Ang ganda kasi ng revenge serye n'yo,” comment ng isang netizen.

Dagdag pa ng isang fan ni Elle, “Ngayon pa lang Ate Elle nakakalungkot na mami-miss ko talaga ang Makiling hanggang sa pabalik-balik na lang ako ng tingin sa Facebook. Galing n'yo po sobra kudddos writer & director!!

Hirit naman ng isang netizen, “'Pag nagka-baby ako na babae gusto ko ipangalan Amira Elle. Hindi mabubuo 'yung araw ko 'pag 'di ko napanuod 'yung Makiling. Kapag Sabado at Linggo ang lungkot.”

Patuloy na subaybayan ang Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: Sampalan nina Elle Villanueva at Thea Tolentino sa 'Makiling,' totohanan?