GMA Logo Elle Villanueva Derrick Monasterio Thea Tolentino
What's on TV

'Makiling' taping, nag-take 2 dahil sa selos ni Elle Villanueva?

By Jimboy Napoles
Published February 16, 2024 7:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

House elects 11 lawmakers to bicam panel on 2026 national budget
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva Derrick Monasterio Thea Tolentino


Nag-react si Elle Villanueva sa kissing scene ng BF na si Derrick Monasterio at Thea Tolentino.

Kitang-kita sa ilang behind-the-scenes video ng Makiling ang mainit na pagbabantay ni Elle Villanueva sa kissing scene ng kanyang boyfriend na si Derrick Monasterio kasama ang co-star nila na si Thea Tolentino.

Sa nasabing BTS videos, makikita si Elle na nakatutok sa monitor ng direktor ng serye na si Conrado Peru habang kinukunan ang sweet na eksena nina Derrick at Thea.

“Kinikilig ka pa ha. Kinikilig ka pa Rose [Thea Tolentino] ha. Masyadong masaya ha,” komento ni Elle habang pinapanood ang taping.

Sa isa pang video, makikita na umulit ng take ang kissing scene nina Derrick at Thea, bagay na ikinataas ng kilay ni Elle.

“Direk sabi mo one lang. 'Di ba? Sabi mo one lang,” tanong ng aktres kay Direk Rado.

Birong sagot naman ng direktor, “Sabi niya kasi, 'Direk gumawa ka ng tight shot para umulit ako.'”

“O, my gosh,” sagot naman ng aktres.

Matapos kuhanan ang nasabing eksena, nagharap sina Elle, Derrick, at Thea.

“Kumusta naman ang eksena?” tanong ng isang production crew.

“It was fun. It was so light,” nakangiting sinabi ni Derrick.

“Really?” tanong naman ni Elle sa nobyo.

“No, it's not fun. No, it's not. Hindi ako nag-enjoy actually. Nahirapan ako sa eksena na 'yun. 'Di ko na uulitin 'yun. ” pagbawi naman ni Derrick.

“Super fun. We're professionals,” nakangiti banat ni Thea.

“Pero feel na feel n'yo? Parang kinikilig ka pa e. Ba't pawis na pawis ka?” tanong muli ni Elle kay Derrick.

“Hindi a. Wala ngang chemistry,” natatawang sinabi ni Derrick.

Wala namang masamang tinapay para kay Elle ang naturang eksena nina Derrick at Thea dahil alam nilang parte lamang ito ng kanilang trabaho.

Samantala, ang nasabing kissing scene nina Derrick at Thea ay ipinalabas na sa episode ng Makiling ngayong Biyernes, February 16.

Sa loob kasi ng anim na taon na nawala ang karakter ni Elle na si Amira, inakala ni Alex played by Derrick na patay na ito. Dahil dito, naging nobya niya na ang ate ni Amira na si Rose na ginagampan naman ni Thea.

Simula sa Lunes, February 19, mapapanood ang mas pinatindi at exciting twists sa Makiling dahil sa pagbabalik ni Amira version 2.0 kung saan magsisimula na ang pagganti niya sa lahat ng umapi sa kanya.

Subaybayan ang pambansang revenge drama ng Pilipino, ang Makiling, 4pm sa GMA Afternoon Prime!