GMA Logo Elle Villanueva makiling
Source: _ellevillanueva (Instagram), GMA Public Affairs (Facebook)
What's on TV

Elle Villanueva, aminadong nahirapang gumanap bilang isang ina sa 'Makiling'

By Jimboy Napoles
Published April 14, 2024 2:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Trump says Putin has been invited to join Board of Peace
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva makiling


“Hindi ko alam ang totoong pakiramdam ng isang ina na mawalan ng anak.” - Elle Villanueva

Matinding paghihinagpis ang ipinakita ni Elle Villlanueva sa isa sa mga naging eksena niya sa Makiling bilang si Amira nitong nakaraang linggo, kung saan first time niyang gumanap bilang isang ina.

Sunod-sunod na kasi ang mga rebelasyon sa naturang revenge drama - isa na rito ang pagbubuntis pala noon ni Amira habang ikinulong siya ni Santi sa isang “safe house.”

Isa sa mga emosyonal na tagpo rito ay nang magising si Amira mula sa pagod sa panganganak pero mas lalo pa siyang nanghina nang malamang patay na ang kanyang iniluwal na sanggol ayon kay Santi.

Bagama't wala namang experience si Elle sa pagiging inang nawalan ng anak, naipakita pa rin ng aktres ang tamang emosyon at sakit para sa scene na ito.

Sa isang Facebook post, inamin ni Elle na kinabahan siya bago kunan ang naturang eksena dahil hindi niya alam ang totoong pakiramdam na maging isang ina.

Aniya, “Before doing this scene, kinakabahan ako dahil wala akong personal experience sa pagiging nanay. Hindi ko alam ang totoong pakiramdam ng isang ina na mawalan ng anak lalo na kung kakapanganak mo pa lang sa kaniya.”

Ayon pa kay Elle, hindi niya lubos maisip kung gaano kasakit para sa isang magulang ang mawalan ng anak.

“Pero nung ginawa ko tong eksena na to, gusto kong yakapin ng mahigpit ang lahat ng magulang na nawalan ng anak. I can't imagine how painful it is for them to lose a baby,” anang aktres.

RELATED GALLERY: TRIVIA: Get to know Kapuso actress Elle Villanueva

Sa Facebook post ni Elle, mapapanood ang behind-the-scene video habang kinukunan ang kanyang emotional scene.

Maririnig sa video na tila naaawa na ang direktor ng serye na si Conrado Peru kay Elle dahil sa kaniyang effective portrayal.

Samantala, sa hiwalay na post, sinabi ng aktres na ramdam niya na ang sepanx sa nabuong pamilya nila sa Makiling dahil itine-tape na nila ngayon ang mga eksena para sa kanilang nalalapit na finale.

Pero ayon sa aktres, marami pang pasabog na twists ang dapat abangan ng mga manonood.

Ilan sa mga nakabinbin na tanong ngayon sa serye ay kung buhay pa ba ang anak ni Amira. Sino ang ama ng kanyang anak? Saan hahantong ang paghihiganti ni Amira sa pamilya Terra? Iyan ang mga dapat alamin at pakatutukan.

Patuloy na subaybayan ang Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: Sampalan nina Elle Villanueva at Thea Tolentino sa 'Makiling,' totohanan?