
Patuloy na sinusubaybayan at umaani ng papuri mula sa maraming loyal viewers ang pambansang revenge drama ng Pilipino - ang Makiling.
Sa Facebook posts ng bida ng serye na si Elle Villanueva kung saan makikita ang pasilip sa kanilang taping, maraming netizens ang nagbigay ng positibong komento tungkol sa cast at sa kakaibang kuwento ng serye.
“Ang ganda talaga ng takbo ng istorya ng Makiling lalo na magagaling din ang mga gumanap. The best drama ever,” komento ng isang fan.
“Superb galing ng mga cast walang tapon especially Ms. Elle [Villanueva]. Kudos writer & director,” dagdag pa ng isang netizen.
Sa isang social media post ni Elle, sinabi ng aktres na patapos na ang kanilang taping para sa kaabang-abang na finale ng serye.
Dahil dito, maraming loyal viewers ang humihiling na sana ay ma-extend pa ang nasabing revenge drama dahil invested na sila sa kuwento nito.
“Sana mag-extend pa Miss Elle or kung hindi nman sana may book 2. Ang ganda kasi ng revenge serye n'yo,” saad ng loyal viewer.
Biro pa ng isang fan, “Hanggang sa panaginip nanonood pa rin ako ng Makiling.”
Samantala, inaabangan ngayon ng mga manonood kung sino ang tunay na ama ng anak ni Amira na inilayo sa kaniya ni Santi [Ian De Leon] noon.
Matatandaan na bago pa mawala si Amira ay may nangyari sa kanila ng dati niyang kasintahan na si Alex [Derrick Monasterio]. Bukod dito, pinagsamantalahan naman ni Seb [Kristoffer Martin] si Amira noong gabing sinugod siya ng Crazy 5 para kuhanin sa kaniya ang mahiwagang bulaklak na mutya.
Ngayong nalaman na ni Amira na buhay ang kaniyang anak, ang susunod na mga tanong na dapat masagot ay kung nasaan ito at sino ang kaniyang ama?
Kaugnay nito, umabot na sa mahigit 3 million views ang week 15 trailer ng Makiling tungkol sa “DNA test” at “Father reveal” ng anak ni Amira.
Base sa trailer, marami pang nakakagigil na rebelasyon ang mangyayari sa serye. Saan pa kaya hahantong ang paghihiganti ni Amira sa Pamilya Terra? 'Yan ang mga dapat abangan sa Makiling.
Patuloy na subaybayan ang Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: Sampalan nina Elle Villanueva at Thea Tolentino sa 'Makiling,' totohanan?