GMA Logo Myrtle Sarrosa, Mon Confiado
What's on TV

Makiling: Portia, pinatay ang kaniyang sariling ama na si Doc Franco

By Jimboy Napoles
Published May 1, 2024 5:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Greek firefighters deliver Christmas gifts to the Aghia Sofia Children's Hospital
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Myrtle Sarrosa, Mon Confiado


Isang Terra rin ang pumatay sa sakim na si Doc Franco Terra.

Sa huling Miyerkules ng Makiling, gigil na patayan ang napanood sa pagitan ng mag-amang Portia (Myrtle Sarrosa) at Doc Franco (Mon Confiado).

Napuno ng galit at poot ang isip at puso ni Portia para sa kaniyang sariling ama na si Doc Franco Terra.

Dahil hindi nagawa ni Portia na pangalagaan nang maayos ang kumpanya ng kanilang pamilya na Nexcelsium, nawalan ng tiwala sa kaniya si Doc Franco. Hindi rin nagtagumpay si Portia na maagang pabagsakin ang bida na si Amira (Elle Villanueva).

Dahil sa galit, maraming masasakit na salita ang sinabi ni Doc Franco kay Portia. Labis naman na naghihinakit si Portia sa mga sinabi ng kaniyang ama, kung kaya't pinukpok niya ito nang paulit-ulit at sinasaksak sa leeg.

Bukod dito, nabisto na rin nina Amira at Rose (Thea Tolentino) na si Portia rin mismo ang pumatay sa kaniyang mga kaibigan na sina Maxene (Claire Castro) at Oliver (Teejay Marquez).

Sa gigil finale ng Makiling, tutukan kung saan mauuwi ang paghihiganti ni Amira sa Pamilya Terra. Sino sa kanila ni Portia ang mananalo at sino pa ang mamamaalam? 'Yan ang sabay-sabay na tutukan sa Makiling sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: Sampalan nina Elle Villanueva at Thea Tolentino sa 'Makiling,' totohanan?