advertisement
TV

IN PHOTOS: Meet the cast of 'Mano Po Legacy: The Family Fortune'

1 of 10

 Barbie Forteza as Steffy Dy

Si Steffy Dy ang Binondo girl na mapapasabak sa mundo ng ultra rich Chinoys nang maging personal assistant ni Cristine Chan. Loyal, hard working at walang siyang takot na ipaglaban ang mga pangarap niya.

2 of 10

 Boots Anson-Roa as Consuelo Chan

Si Consuelo Chan ang family matriarch na protective sa reputasyon ng pamilya pero mapagmahal ding ina at lola. Patuloy man niyang sinusunod ang kagustuhan ng kanyang yumaong asawa, gagawin pa rin niya ang lahat para sa kaligayahan ng anak at mga apo.

3 of 10

Maricel Laxa as Valerie Lim

Si Valerie Lim ang ambitious mistress ng family head na si Edison Chan. Gagamitin niya ang lahat ng koneksiyon para makaangat sa buhay, kahit pa madungisan ang kanyang reputasyon.

advertisement
4 of 10

Sunshine Cruz as Cristine Chan

Si Cristine Chan ang real brains sa likod ng Chan family business. Dahil sa kanyang talino, kakayahan, at protectiveness sa pamilya, siya ang magiging mortal na kaaway ni Valerie.

5 of 10

David Licauco as Anton Chan

Si Anton Chan ang first legitimate son ni Edison Chan at inaasahan ng karamihan na magmamana ng family business. Isa siyang mabuting anak at isa ring achiever pero pakiwari niya, hinahangaan lang siya dahil sa kanyang birthright.

6 of 10

Nikki Co as Jameson Chan

Si Jameson Chan ang rebellious na love child nina Edison Chan and Valerie Lim. Dahil ginagamit siya ni Valerie bilang alas sa mga Chan, lumaki siyang spoiled, arogante, at madalas nasasangkot sa gulo.

advertisement
7 of 10

Rob Gomez as Joseph Chan

Si Joseph Chan ang illegitimate eldest son ni Edison Chan. Kahit unfair ang pagtrato sa kanya ng pamilya, dedicated siya sa business at isang supportive older brother kay Anton.

8 of 10

 Dustin Yu as Kenneth Chan

Si Kenneth Chan ang youngest son ni Edison Chan na lumaki sa Amerika kasama ang ina. Pinauwi siya ng kanyang ina sa Pilipinas para hindi maiwan sa agawan sa mana ng magkakapatid pero wala talagang interes sa yaman ng angkan.

9 of 10

Darwin Yu as Leo Evangelista

Si Leo Evangelista ang childhood best friend ni Steffy na mari-realize lang ang feelings para sa dalaga nang ma-involve ito sa Chan heirs. Mananatili siyang loyal at protective na kaibigan habang umaasang mapansin siya nito.

advertisement
10 of 10

Casie Banks as Jade Lee

Si Jade Lee ang glamorous at self-centered socialite na ipinagkasundong ikasal kay Anton. Pinapangarap niyang maging queen ng Chan empire. Makakaharap niya si Steffy na mamaliitin niya dahil sa social status.