TV

MUST-SEE: Nikki Co, ipinasilip ang isang mahalagang eksena sa 'Mano Po Legacy: The Family Fortune'

By Marah Ruiz

Nagbigay si Kapuso actor Nikki Co ng isang sneak peek sa isang malaki at mahalagang eksena ng GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.


Sa kanyang Instagram, nagbahagi si Nikki ng ilang litrato niya at ng co-star na si Dustin Yu na gumanagap bilang half-brother niyang si Kenneth.

Makikita sa mga litrato na nakasakay ang dalawa sa isang luxury car at may kasamang isang tao na tila duguan.

"Behind the scenes of tonight's episode #MPLValerieStrikesBack" sulat ni Nikki sa caption ng kanyan post.

Pelase embed: https://www.instagram.com/p/CY-vNt0Bv0g/

Sa teaser para sa episode ngayong gabi, January 21, makikitang emosyonal si Jameson matapos mapahiya sa meeting ng kanilang kumpanya.

"Lagi na lang akong pangalawa!" sigaw niya habang nagmamaneho.

Sakay din niya sa kotse si Kenneth na magugulat dahil hindi mapapansin ni Jameson na may taong tumatawid.

Magiging sanhi ba ng isang malagim na aksidente si Jameson?

Abangan 'yan ngayong gabi sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, 9:35 pm sa GMA Telebabad.