TV

ANNOUNCEMENT: 'Mano Po Legacy: The Family Fortune' fan art contest

By Marah Ruiz

Narito ang isang challenge para sa mga fans ng GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Para sa mahilig gumawa ng fan art na inspired ng mga karakter and istorya ng serye, sumali na sa Mano Po Legacy Fan Art Contest.

I-post lang ang inyong Mano Po Legacy: The Family Fortune fan art kasama ang official hashtag na #ManoPoLegacyFanArt.

Mafi-feature rin sa Mano Po Legacy social media pages ang mga artwork.

Ang fans na gumawa ng top two entries ay maiimbitahan para sa online meet and greet kasama ang cast ng Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Tatakbo ang contest simula January 25 hanggang February 1, 2022.

Samantala, patuloy na panoorin ang exciting na kuwento ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.