TV

Maricel Laxa, nag-e-enjoy sa mga bangayan nila ni Sunshine Cruz sa 'Mano Po Legacy: The Family Fortune'

By Marah Ruiz

Maraming mga eksena daw mula sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune ang tumatatak sa aktres na si Maricel Laxa.

Isa raw sa pinaka na-e-enjoy niya ang mga bangayan ng mga karakter niyang si Valerie Lim at karakter naman si Sunshine Cruz na si Cristine Chan.

"I love it 'pag minsan ako 'yung panalo, minsan siya 'yung panalo. Hindi 'yung palaging ako 'yung talo 'di ba? Kung tutuusin kasi ako 'yung kabit. Si Valerie 'yung intrimitida pero pinapatulan pa rin siya ni Cristine, kahit papano. 'Pag tumawag siya, pupunta naman si Cristine," kuwento ni Maricel sa special Chinese New Year bloggers conference ng Mano Po Legacy: The Family Fortune.

"Si Cristine naman, hindi rin magpapabawi sa kanya na aalis siya nang wala siyang pabaon. Mayroon din siyang edge, may hirit siya na panalo din siya. Nakakalamang kami once in a while pero nakakabawi rin naman kami. Para sa akin, bilog 'yung mundo. Hindi 'yung talo ka, tapos talong talo ka na talaga, wala ka na talagang pag asa," dagdag pa niya.

Natutuwa daw siya na nakikita ng mga manonood ang iba't ibang sides ng kanilang mga karakter.

"I love na napapakita 'yung may marupok side 'yung bawat isa, pero meron ding strength na palaging lalabas at the perfect time," lahad ni Maricel.

Minsan pa nga raw, nahihirapan silang dalwa ni Sunshine bitawan ang eksena dahil nag-e-enjoy pa sila sa paggawa nito.

"Siguro it's just this privilege of working with Sunshine na bukod sa gusto kong china-challenge niya ako bilang Valerie. Kasi si Valerie, bored siya doon sa mga taong hindi siya kinakalaban. 'Pag china-challenge siya ni Cristine, nabubuhayan siya ng dugo kaya nagiging maganda 'yung exchange nila," paliwanag niya.

Masaya din daw siya na mas nakikilala niya ngayon nag mas personal si Sunshine.

Source: mommymaricel IG and sunshinecruz718 IG

"I love this point in my life where in nakikilala ko for the first time kung sino si Sunshine. Kasi dati, palaging sinasabi na magkamukha kami. Minsan kinakausap ako ng tao, akala ako si Sunshine. Pero hindi ko pa totoong nakilala kung sino si Sunshine," bahagi ni Maricel.

"Kaya ito 'yung panahon na I enjoy learning more about her life, her passion, her love for her family, 'yung pagiging single mom niya na talagang pinaglalaban niya 'yung mga anak niya, tapos nagtatrabaho siya nang maayos. Natutuwa ako sa kanya kasi napaka lawak niyang tao at hindi sasama ng loob ko or hindi ako mapapahiya kung sasabihing kamukha mo si Sunshine," pagpapatuloy niya.

Patuloy na panoorin sina Maricel at Sunshine sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 pm sa GMA Telebabad. Simula naman sa February 7, lilipat ito sa mas maagang oras, 8:50 pm.