
Mas malaki ang mga pasabog ng GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune sa paglipat nito sa mas maagang oras at pagiging available nito sa isa pang channel.
Simula February 7, mas maaga nang mapapanood ang Mano Po Legacy: The Family Fortune sa GMA-7.
Matutunghayan na ito sa mas pinaagang timeslot na 8:50 p.m., Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon.
Bukod dito, mapapanood na rin ang Mano Po Legacy: The Family Fortune sa second most watched channel sa bansa, ang GTV.
Tunghayan ito sa GTV, Lunes hanggang Huwebes, 11:30 p.m., at Biyernes, 11:00 p.m.
Patuloy na tumutok sa nagpapatuloy na kuwento ng pag-ibig, pamilya, at tradisyon ng mga Filipino-Chinese sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, 8:50 p.m. simula February 7, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad.
Huwag din palampasin ang same-day replay nito mula Lunes hanggang Huwebes, 11:30 p.m. at Biyernes ng 11:00 p.m. sa GTV.