GMA Logo Dustin Yu
What's on TV

Newbie actor Dustin Yu, na-enjoy ang pag-iyak sa 'Mano Po Legacy: The Family Fortune'

By Nherz Almo
Published February 25, 2022 10:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD, DTI-BOI in talks for possible corporate income tax exemption on economic housing
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Dustin Yu


Matapos ang unang acting showbiz project, sabi ng newbie actor na si Dustin Yu, "Na-realize ko na ito ang talagang gusto kong tahakin."

"Nag-enjoy akong umiyak."

Ito ang natatawang pahayag ng baguhang aktor na si Dustin Yu habang inilalahad ang mga nagustuhan niya sa pagganap bilang Kenneth Chan sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Ayon sa binatang aktor, bagamat ito ang unang pagkakataon niya sa pag-arte, agad niyang na-enjoy ang trabaho lalo na ang dramatic scenes niya para sa teledrama.

Aniya, "Sa Mano Po, first time kong umiyak kasi sobrang tagal ko nang hindi umiiyak in real life. So, sabi ko, 'Shucks, kaya ko palang umiyak kahit acting lang or eksena lang. Na-enjoy ko siya kasi iba 'yung feeling na kaya ko pala.

"Pero at the same time, medyo hindi rin kasi nakakapagod. Mentally and physically, sobrang nakakapagod. Parang after the scene, hindi mo pa mare-release agad, di ba?

"Pero enjoy naman kasi it's a part of the work. At least, nagawa ko 'yung role, 'yung gusto ni direk, 'yung nasa script. 'Yun siguro ang dahilan kung bakit ko siya na-enjoy."

Isang post na ibinahagi ni Dustin Yu (@dustinyuu)


Sa katunayan, dahil daw sa Mano Po Legacy, mas tumindi ang pagnanais ni Dustin na ituloy ang kanyang acting career.

Sabi niya, "To be honest, noong pumasok ako sa Mano Po Legacy, as in wala akong background sa acting. Noong nag-start na, siyempre, with the help of my co-actors like sina Rob [Gomez] and David [Licauco], sobrang nae-enjoy ko talaga. Parang walang labanan sa amin, nagtutulungan kasi kami.

"Of course, nagustuhan ko rin kasi bata pa lang ako gusto ko na siya, pero wala rin kasing opportunity noon. So, ngayong dumating ang Mano Po, na-realize ko na ito ang talagang gusto kong tahakin. Nag-e-enjoy akong um-acting talaga, mag-portray ng character talaga."

Kaya naman, kasunod ng pagtatapos ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, sasailalim si Dustin sa iba't ibang acting workshops habang naghihintay ng susunod na proyekto.

"Siyempre, learning never stops. Kahit anong roles naman susubukan ko kasi bago pa lang ako. Gusto ko i-explore kung saan ba ako magaling at hanggang saan ang kaya kong gawin," pagtatapos ni Dustin.

Kilalanin pa si Dustin Yu sa gallery na ito: