TV

Pokwang, first teleserye in three years ang 'Mano Po Legacy: Her Big Boss'

By Marah Ruiz

Excited nang makapagbigay ng ngiti ang actress at comedian na si Pokwang sa upcoming series na Mano Po Legacy: Her Big Boss.

Lalong naging espesyal ang proyekto para sa kanya dahil ito ang unang teleserye niya sa loob ng tatlong taon.

"Siyempre excited ako kasi after three years, ngayon na lang ako ulit gagawa ng teleserye. Nakakatuwa din kasi 'di ba romcom. Magbibigay ka na naman ng saya at ngiti sa mga manonood," pahayag ni Pokwang.

Sa romantic comedy na ito, mapipilitang magkatrabaho ang dalawang taong polar opposites--ang geeky boss na si Richard Lim, karakter ni Ken Chan, at ang bubbly assistant na si Irene Pacheco, role naman ni Bianca Umali.

Bahagi ng serye si Pokwang bilang Becca Pacheco, ang devoted na single mother ni Irene.



Karangalan daw para kay Pokwang ang maging bahagi ng Mano Po Legacy, na hango sa iconic Mano Po film series.

Fan daw si Pokwang ng mga Mano Po movies kahit noong hindi pa siya artista.

"Dati pinanonood ko lang sa pelikula [ang Mano Po]. Hindi pa ko artista noong nag-start ang 'Mano Po,' sa Music Box pa lang ako. Tapos ito ngayon, hindi ba? Isang malaking blessing and siyempre karangalan na mapasama 'ko sa obra maestra na ito talaga," aniya.

Ang "Her Big Boss" ang pangalawang kuwento mula sa Mano Po Legacy, ang serye na tungkol sa pag-ibig, pamilya, at tradisyon ng mga Filipino-Chinese.

Bukod kay Pokwang, bahagi rin ng serye sina Bianca Umali, Ken Chan, Kelvin Miranda, Teejay Marquez at marami pang iba.

Abangan ang world premiere ng Mano Po Legacy: Her Big Boss sa March 14, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad!