TV

Ken Chan, natupad ang parangarap na mapasama sa 'Mano Po Legacy: Her Big Boss'

By Marah Ruiz

Isa si Kapuso actor Ken Chan sa mga pangalan na madalas mabanggit noong una pa lang inanunsiyo na magkakaroon ng television series sa GMA-7 ang iconic film franchise na 'Mano Po.'

Bilang isang Filipino-Chinese na aktor, pangarap daw talaga ni Ken na maging bahagi ng mga pelikula ng 'Mano Po.'

"Bata pa lang ako noon, napapanood ko na 'yung 'Mano Po.' Sa bahay namin, pinalaki kami ng tatay ko na traditional Chinese family talaga. Nakaka-relate po kami sa mga napapanood namin sa 'Mano Po'--'yung kung paano sila mag-praise sa mga Buddha, kung paano 'yung sistema ng business nila, kung paano pinapatakbo ng ama 'yung pamilya niya. Nakaka-relate talaga kami doon and talagang pinangarap ko talaga na mapasama. Sino ba naman hindi gusto na mapasama o makagawa ng isang proyekto na Mano Po," pahayag ni Ken.

Ngayon, isa si Ken sa mga bida ng "Her Big Boss" ang pangalawang installment ng GMA Telebabad series na Mano Po Legacy. Dream come true daw na mapasama siya sa proyektong ito.

"I'm just blessed and thankful na ito na nga, dumating ang pagkakaton na magagawa ko siya. I'm just so happy po talaga na magagawa ko pa at mapapabilang po ako sa 'Mano Po' ngayon," bahagi niya.

Gaganap siya sa serye bilang Richard Lim, ang geeky boss na makakahanap ng katapat sa kanyang bubbly assistant na si Irene Pacheco, played by Bianca Umali.


"Sinasabi kay Bianca noong magkausap kami, 'Grabe no? Mga bata pa lang tayo pinapanood na natin 'yung 'Mano Po' pero nasama tayo sa 'Mano Po.' I'm just happy at pinagsama pa ang Regal Entertainment at GMA Network na dalawa talagang napaka laking company pagdating sa paggawa ng mga pelikula at serye. I'm just honored and blessed po," lahad ni Ken.

Ang "Her Big Boss" ang pangalawang kuwento mula sa Mano Po Legacy, ang serye na tungkol sa pag-ibig, pamilya, at tradisyon ng mga Filipino-Chinese.

Makakasama ni Ken dito sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Pokwang, Teejay Marquez at marami pang iba.

Abangan ang world premiere nito sa March 14, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad!