TV

'Mano Po Legacy: Her Big Boss,' napa-wow ang netizens

By Marah Ruiz

Patok sa mga netizens ang bagong GMA Telebabad romantic comedy series na Mano Po Legacy: Her Big Boss.

Sa unang episode nito noong March 14, umabot sa second spot ng trending topics ng Twitter Philippines ang official hashtag nitong #MPLHerBigBoss.


Lubos din ikinatuwa ng netizens ang visuals, kuwento at iba't iba pang elemento ng programa.


Napahanga din ni Bianca ang netizens sa unang sabak niya sa romantic comedy bilang ang bubbly assistant na si Irene Pacheco.


Nakilala na rin ang geeky boss ni Irene na may obsessive compulsive disorder na si Richard Lim, played by Ken Chan.


Marami rin ang kinilig kay Kelvin Miranda bilang Nestor Lorenzo, ang ideal boyfriend ni Irene.


Samantala, magkakasamang pinanood ng cast at crew ng Mano Po Legacy: Her Big Boss ang kanilang pilot episode sa Cafe Claus, ang bagong cafe ni Ken.


Ang "Her Big Boss" ang pangalawang kuwento mula sa Mano Po Legacy, ang serye na tungkol sa pag-ibig, pamilya, at tradisyon ng mga Filipino-Chinese. Panoorin ito Lunes hanggang Biyernes, 9:35 pm sa GMA Telebabad.