
Huling dalawang linggo na ng GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: Her Big Boss na pinagbibidahan nina Kapuso stars Bianca Umali at Ken Chan.
Ngayon pa lang daw, nararamadaman na nila ang sepanx (separation anxiety). Tapos na kasi ang taping nila para sa serye.
Masaya naman daw si Bianca sa naging mainit na pagtanggap ng mga manonood sa serye.
"Feeling ko nakita nila 'yung friendship din namin ni Ken off cam. I think it translated on cam also. Sana magkatrabaho pa kami. Actually gusto namin magkatrabaho ulit. Magkausap nga kami kanina, nami-miss na namin ang isa't isa," kuwento ni Bianca.
Sa seryeng ito nadiskubre ni Bianca na kaya rin pala niya ang comedic roles.
"Ibang challenge 'yan. Grabe, mas nakakapagod siya. The people who know me in real life know na hindi talaga 'ko madaldal, hindi ako energetic at malikot. Si Irene Pacheco sa series she's the opposite of who I am in real life," paliwanang niya.
Bago bumida sa Mano Po Legacy: Her Big Boss, naging bahagi si Bianca ng higanteng ensemble cast ng groundbreaking show na Legal Wives.
Nag-premiere ito sa streaming platform na Netflix noong May 20 at kasalukuyang nasa Top 10 most watched shows ng Netflix Philippines.
"Kinikilig talaga 'ko. Naririnig ko na rin 'yung theme song noong show, parang bumalik sakin lahat noong memories ko noon nung shinu-shoot namin 'yung buong series kasi grabe tuwang tuwa talaga ko," bahagi ni Bianca.
Samantla, isa pang achievement ang dapat abangan kay Bianca ngayong taon. Malapit na kasing ipalabas ang international HBO Asia series na Halfwords na pagbibidahan niya.
Source: bianxa (IG)
Nasa post production stage na raw ang show at target itong maipalabas third quarter ng taong ito.
"Kung nasaan ako ngayon, ni hindi ko nga 'to hiniling. Hindi ko 'to inakala na makakamit ko. What more to work internationally kasi honestly suntok sa buwan 'yun na maging parte ka or even to just be recognized by international people," aniya.
Panoorin ang buong panayam ni Aubrey Carampel ng 24 Oras sa video sa itaas.
Huwag rin palampasin ang huling dalawang linggo ng Mano Po Legacy: Her Big Boss, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, tingnan ang career milestones ni Bianca Umali sa gallery sa ibaba: