TV

'Mano Po Legacy,' magpapatuloy sa pangatlong installment na 'The Flower Sisters'

By Marah Ruiz

Isa na namang teleserye na sumasalamin sa makulay na kultura ng mga Filipino-Chinese ang hatid ng GMA Network and Regal Entertainment.

Sa pangatlong installment ng Mano Po Legacy na "The Flower Sisters," makikilala natin ang Chua sisters na binubuo ng apat na magkakapatid sa magkakaibang ina.

Ang panganay ay si Lily, played by Aiko Melendez. Siya ang anak ng family patriarch sa unang asawa at maaasahan sa negosyo ngunit labis ang higpit sa kanyang pamilya.

Ang pangalawa ay si Violet, played by Beauty Gonzalez. Siya naman ang anak sa pangalawang asawa na nagnanais mabigyan ng importansya sa pamilya kaya siya makikipagtagisan sa kapatid na si Lily.

Ang pangatlo ay si Dahlia, played by Thea Tolentino. Bunga siya ng affair sa isang ordinaryong Filipina. Hindi siya laki sa poder ng mga Chua pero mapipilitan siyang harapin ang mga kapatid gawa ng matinding pangangailangan.

Ang pang-apat ay si Iris, played by Angel Guardian. Bunga rin siya ng affair sa isang liberated socialite. Laki siya sa Amerika pero magbabalik sa Pilipinas, at dito niya makikilala ang kanyang pamilya.

May kanya-kanyang pangarap at ambisyon ang magkakapatid. Ito ba ang magpapatibay ng kanilang kapatiran o magtutulak sa kanilang pagkakawatak-watak?

Abangan ang pamumulaklak ng kuwento ng Chua sisters sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters, soon on GMA Telebabad.