What's on TV

Beauty Gonzalez, ibinahaging tungkol sa empowered women ang 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters'

By Marah Ruiz
Published October 18, 2022 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez


Tungkol daw sa empowered women ang 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters' ayon sa isa sa lead stars na si Beauty Gonzalez.

Hindi lang daw tarayan at patalbugan ang mapapanood sa upcoming GMA Telebabad series na sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Isang magandang kuwento rin daw ito tungkol sa empowered women, ayon sa isa sa lead stars nitong si Beauty Gonzalez.

Gaganap si Beauty sa serye bilang Violet na may hinanakit sa kanyang pamilya dahil hindi magawa ng mga itong pagkatiwalaan siya sa mahahalagang bagay tulad ng negosyo.

Isa siya sa Chua sisters, apat na magkakapatid sa ama na may kanya-kanya ambisyon at pangarap na magiging sanhi ng banggaan at tunggalian sa kanila.

"It really shows kung gaano tayo kalakas bilang mga babae. Kahit anong mangyari, kakayanin natin ang buhay. Sisters and family are also important," pahayag ni Beauty tungkol sa show.

Bahagi din ng serye si Kapuso actress Thea Tolentino. Gaganap siya sa serye bilang Dahlia, ang kapatid na lumaking malayo sa pamilyang Chua pero mapipilitang lumapit sa mga ito dahil sa matinding pangangailangan.

Excited na raw si Thea sa proyekto dahil unang beses niyang makakatrababo ang karamihan ng kanyang co-stars, lalo na ang mga gaganap bilang kapatid niya.

Source: aikomelendez (IG)

"First time ko silang makatrabaho, lalo na si Ate Aiko [Melendez]. Nakikita ko siya sa Prima Donnas eh. 'Di ba ang taray taray? Noong sa taping na, sabi ko, ay ang bait. Gulat na gulat ako," kuwento ni Thea.

Bukod kina Beauty at Thea, bahagi rin ng serye sina Aiko Melendez, Angel Guardian at marami pang iba.

Mapapanood na ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters simula October 31, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA NAGANAP SA PRESS CONFERENCE NG SERYE DITO: