Nagtipon ang cast ng upcoming historical portal fantasy series 'Maria Clara at Ibarra' para magkakasamang ihandong sa ilang piling miyembro ng media ang kanilang bagong palabas.
Nagkaroon sila ng munting salu-salo sa Barbara's Heritage Restaurant sa Intramuros, na bagay na bagay at naaayosa sa tema at look ng show.
Nakabihis din ng makalumang mga pananamit ang mga aktor ng 'Maria Clara at Ibarra' nang humarap sila sa media.
Mapapanood ang 'Maria Clara at Ibarra' simula October 3 sa GMA Telebabad.
Samantala, silipin sa gallery na ito ang idinaos ng media conference bagong teleseryeng ito.
Si Dennis Trillo ay si Crisostomo Ibarra.
Si Barbie Forteza naman ay si Klay, isang Gen Z nursing student na mapapadpad sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal.
Bibigyang-buhay ni Rocco Nacino ang karakter ni Elias.
Gaganap naman si David Licauco bilang Fidel, ang isa sa mga kaibigan ni Ibarra.
Si Juancho Trivino ay si Padre Salvi.
Gaganap si Juan Rodrigo bilang Kapitan Tiago.
Si Ces Quesada ay si Tiya Isabel.
Si Lou Veloso naman ay si Professor Torres, ang guro ni Klay sa Rizal Studies.
Bibigyang-buhay ni Gilleth Sandico si Doña Victorina.
Dumalo rin sa media conference ang concept creator at headwriter ng show na si Suzette Doctolero, pati na ang direktor ng serye na si Zig Dulay.