advertisement
TV

TINGNAN: Ang mga tauhan ng 'Maria Clara at Ibarra'

1 of 16

Crisostomo Ibarra

Si Dennis Trillo ang gaganap bilang Crisostomo Ibarra, ang Filipino-mestizo na magbabalik sa Las Filipinas matapos ang pitong taong pag-aaral sa Europa.

2 of 16

Klay

Si Barbie Forteza namay ay si Maria Clara "Klay" Infantes, ang Gen Z nursing student na papasok sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal.

3 of 16

Maria Clara

Gaganap naman si Julie Anne San Jose bilang Maria Clara, ang kasintahan ni Ibarra at anak ni Kapitan Tiago.

advertisement
4 of 16

Padre Damaso

Si Tirso Cruz III ang magbibigay-buhay kay Padre Damaso, isang masamang prayle at ang tunay na ama ni Maria Clara na tumututol sa relasyon nila ni Ibarra.

5 of 16

Narsing Infantes

Si Manilyn Reynes ay si Narsing, ang ina ni Klay na isang battered wife

6 of 16

Kapitan Tiago

Si Juan Rodrigo ang gaganap bilang Kapitan Tiago, ama ni Maria Clara at isang mayamang negosyante sa Binondo

advertisement
7 of 16

Elias

Si Rocco Nacino ay si Elias, isang rebelde na magiging katuwang ni Ibarra sa kanyang adhikain sa bayan.

8 of 16

Fidel

Gaganap si David Licauco bilang Fidel, ang pilyong kaibigan ni Ibarra na nakapag-aral din sa Europa at malimit na kaaway ni Klay.

9 of 16

Padre Salvi

Si Juancho Trivino naman ay si Padre Salvi, isang prayle na may lihim na pagnanasa kay Maria Clara

advertisement
10 of 16

Tiya Isabel

Bibigyang-buhay ni Ces Quesada si Tiya Isabel, ang mahigpit na tiyahin ni Maria Clara at katulong ni Kapitan Tiago sa pagpapalaki dito.

11 of 16

Mang Adong

Si Dennis Padilla ay si Mang Adong, ang katiwala ng pamilya nina Ibarra.

12 of 16

Professor Jose Torres

Si Lou Veloso naman ay si Professor Jose Torres, ang propesor ni Klay sa Rizal Studies.

advertisement
13 of 16

Doña Victorina

Si Gilleth Sandico ang gaganap bilang Doña Victorina, isang Filipina na nagpapanggap bilang mestiza.

14 of 16

Victoria

Si Karenina Haniel ay si Victoria, isa sa mga kaibigan ni Maria Clara.

15 of 16

Sisa

Si Andrea Torres ang magbibibigay-buhay kay Sisa sa isang natatanging pagganap.

advertisement
16 of 16

Maria Clara at Ibarra

Tunghayan ang historical portal fantasy series na 'Maria Clara at Ibarra,' Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.