'Maria Clara at Ibarra' sa likod ng kamera

Sa nalalapit na pagtatapos ng Maria Clara at Ibarra, hindi maipagkakaila na marami ang pinagdaanan ng mga artista, director, production team at iba pang miymebro na bumubuo sa pag produce ng serye.
Sa isang Facebook post, inihambing ng direktor nitong si Zig Dulay ang team niya sa isang village at sinabing isang village ang kinailangan para makabuo ng isang magandang teleserye.
“It takes a village to create a meaningful TV series -- thank you to all the villagers,” saad niya.
Ipinahayag din ng direktor ang kahalagahan ng pakikipag-collaborate sa iba't ibang mga tao para “mas lalo pang lumawak at lumakas 'yung boses mo at boses ng pelikula o serye mismo.
“Marami kang matututunan sa kapwa mo kuwentista, at kailangan mo lang maging bukas sa iba't ibang pananaw at magtiwala sa buong team,” sagdag pa niya.
Tignan ang iba't-ibang litrato habang kinukunan at binubuo nila ang serye na Maria Clara at Ibarra sa gallery na ito:
Tignan ang iba't-ibang litrato na kinunan sa likod ng kamera habang kinukunan at binubuo nila ang serye na Maria Clara at Ibarra sa gallery na ito:



















