GMA Logo Julie Anne San Jose
Source: myjaps (IG)
What's on TV

Julie Anne San Jose, nagpasalamat sa mainit na pagtanggap sa 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Published October 4, 2022 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 24, 2025
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose


Nagpasalamat si Julie Anne San Jose para sa suportang natanggap ng unang episode ng 'Maria Clara at Ibarra.'

Masaya ang buong cast at crew ng pinakabagong primtime historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Mainit kasi ang naging pagtanggap ng mga manonood sa first episode ng kanilang programa na ipinalabas kagabi, October 3.

Nagtala ito ng 15.1 combined ratings sa GMA at GTV na mas mataas kaysa sa katapat na programa na nakakuha 7.1 combined ratings mula sa limang magkakaibang channel.

A post shared by GMA Drama (@gmadrama)


Bukod diyan, naging top trending topic sa Twitter Philippines ang official hashtag ng episode na #MCIAngSimula, habang pasok si Julie Anne San Jose bilang Maria Clara sa 8th spot at Barbie Forteza sa 16th spot.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, nagparating ng mensahe ng pasasalamat si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa mga tumutok sa kanilang pilot episode.

"Sana subaybayan pa rin po nila hanggang dulo kasi napakarami pong magagandang maio-ooffer 'yung palabas namin. Sana ay maging masaya kayo sa aming palabas and mas ma-entertain kayo, mas ma-inpire, mas matuto, at mas malinawagan. Thank you so much sa mga Kapuso natin," pahayag ni Julie.

Bukod sa mga viewers, nagpasalamat din siya sa lahat ng bumubuo ng produksiyon ng serye.

"Sobrang surreal pa rin kasi hindi din namin ine-expect. Para kasing kailan lang nagte-taping pa kami tapos sobrang ang bilis lang ng lahat. Nagpapasalamat kami sa buong production ng Maria Clara at Ibarra--sa lahat ng aming mga directors, staff, crew, sa lahat ng mga bumubuo, sa aming mga writers, mga consultantns namin, mga historians namin. Sobrang grateful kami kasi napakalaking porject nito for GMA," lahad ng singer-actress.

Source: myjaps (IG)


Si Julie Anne ang gumaganap bilang Maria Clara sa serye kaya itinuturing niya itong malaking karangalan at responsibilidad.

"Malaking opportunity ito para din sa akin kasi first time kong gumanap bilang isang makalumang tao and isa sa mga icons ng ating history. Hindi talaga siya biro kaya kinakailangan namin pag-aralan lahat. We did a lot of research," paliwanag ni Julie Anne.

"Napakagandang opportunity nito for all of us. I also believe that it's important to go back to our roots and be reminded of where we came from. Saka importante din to kasi mas nae-educate tayo lalo sa ating history," dagdag pa niya.

Patuloy na panoorin si Julie Anne San Jose bilang Maria Clara sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG MGA KARAKTER NA MAPAPANOOD SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: